About Me

My photo
..wEll siMply man lAng aq.. ..bAku aQng pAngit aNd baQ man aQng mAgaun...nUn,,5' flat aNG heiGht q..hAlngkaw mAn bAGa..?? ..aND u cAn sAy na pUre filipino aQ coz oF my complexion(dArk tAn kAya aQ..)tSk-tSk..mAboOt man aq..cGuro pAtient..??..lAughtrip aQ kUng lAughtrip kA mAn..hEHe

Saturday, November 13, 2010

KATAYUAN SA BUHAY hindi basehan ng pagkatao

Iba't iba ang katayuan sa buhay ng bawat tao. Mayroong mga taong mayaman at may mga taong mahirap. Ngunit sa mundong ito, ang buhay ay maraming pagbabago, ang mayayaman ay maaaring maghirap at ang mahirap naman ay maaaring yumaman.

Ang pagkakaiba ng ating mga katayuan sa buhay ang nagiging dahilan upang husgahan ng iba ang ating pagkatao. Ngunit hindi ito tama. Ang pagkakaiba-iba ng mga tao ayon sa kanilang katayuan ay hindi sapat na dahilan upang tumaas o bumaba ang pagtingin sa kapwa.Ito ay isang ugaling hindi natin dapat pagkasanayan dahil sa nakakasakit ito ng damdamin at nakakababa ng tiwala sa sarili. Ngunit sa kasamaang palad, maraming tao sa ating mundo ay binibigyang pansin ang katayuan ng ibang taong nakapaligid sa kanila. Hindi nila nakikita o ayaw na nilang makita ang mas magandang katangian ng tao basta't sila ay nakakataas o kapantay nila.

Sa paglipas ng panahon, mukhang mas dumadami o lumalala pa ang pagkabulag ng mga tao sa salapi. Sana naman tayong lahat ay maliwanagan sa totong mahalagang katangian ng bawat isa. Ang kabutihang loob at hindi ang material na bagay.

No comments:

Post a Comment